Q: ikaw ba yung umutot?
A: bakit, re-request ka ulit? eto pa isa
Sagot ng isang kontestant sa "Laban O Bawi":
Joey: "Ano sa tagalog ang 'grasshopper'?"
(Contestant, a guy, buzzes in)
Contestant (medyo hindi narinig ang tanong): "Huling Hapunan??"
Sa isang job interview:
manager: hmmm... ano bang natapos mo?
nag-aaply: aba madami ho!
manager: aba ayos yan. ano-ano?
nag-aaply: tekken, tomb raider, crash bandicoot...
manager: teka sang university ka ba nagaral?
nag-aaply: university mall.
Sa magandang gabi bayan:
reporter: matagal ka na ba nagdo-droga?
suspect: hindi naman
reporter: kailan lang?
suspect: wala pang sampung taon.
My mom saw my little brother eating his booger...
MOM: Onat, why are you eating your KULANGOT!!?
Onat: DONT WORRY MOMMY, I'M ONLY EATING THE BIG ONES!
office worker 1: Ay ang galing-galing mo talaga....sana kunin ka na ni Lord!
office worker 2 : Ah hinde.....Hindi ako magaling....BOBO ka lang talaga!!!
At the dinner table:
Q: Kuya, ang boneless bangus ba ipinanganak ng walang tinik?
A: Oo, kamag-anak sila ng skinless longganisa.
Additional Answer: Eh nakakita ka na ba ng boneless chicken na buhay? Pumasyal ako minsan sa isang bahay ng kabarkada ko, may alaga silang mga boneless chicken. Grabe! Nakahiga lang yung mga manok.
caller: hello, nandyan po ba si _____?
receiver: ay, wala...
caller: kasi nandito siya eh! eto nga o, katabi ko!
teacher: ok bob ituro mo sa mapa ang north america
bob: ayun po mam
teacher: very good. class sino ba ang nakatuklas ng north america?
class: si bob!
Sa loob ng FX taxi na puno ng pasahero, biglang bumaho dahil may umutot. Siyempre, walang umamin. After five minutes:
FX DRIVER: "O, yung umutot kanina, hindi pa nagbabayad!"
PASSENGER BESIDE THE DRIVER: "Bayad na ako, ah!"
Sa isang kanto, may magbabalot na dumating.
Tambay: Boss, may asin ka?
Magbabalot: Meron.
Tambay: Pabili ngang isang kilo.
part 2
Tambay: Eh magkano naman ang basag na balot?
Magbabalot: P5 po.
Tambay: O sige magbasag ka ng lima bibili ko.
part 3
Tambay: Maliit ba sisiw nito?
Vendor (naasar na): oo,nagkasya sa itlog eh!
as i was walking outside my office late at night...
sekyu: good evening sir... andito pa kayo?
me: hmm... ano sa tingin mo?
sekyu: opo sir... andito pa nga kayo...
me: wala, nasa bahay na ako.
sekyu: si sir naman... tinatakot nyo ako eh...
pasahero1: ayyyyy ang kyut naman ho ng anak nyo!!!
pasahero2 [me dalang bata]: kyut ba? yan oh, sayo na lang.
i wish:
kris: game ka na ba?
contestant: game na, b**ch!
kid: dad, dad, nag recitation kami kanina.
dad: o...
bro: ang hirap-hirap ng question niya, dad! walang nakasagot sa mga classmates ko!
dad (excited and proud): o, e di ikaw lang nakasagot, anak?
bro: hindi. pati ako rin di nakasagot.
dad: bobo! (binatukan ang bata)
Lasingero: Pabili nga ng ber <hiK>
tindero: ala kami ber, ubos na eh?
L: ber yung nasa lata
t: wala na pati sa lata...
L: tignan mo mabuti... yung may brand <hiK>
T: (asar) wala na ho talaga!
L: Ber brand?
t: ahh ganun pala...
"Bakit maalat ang tubig sa dagat?"
"Baket?"
"Dahil sa isda."
"Bakit isda??"
"Kase wala silang CR..."
FOR SALE
Gusto mong bumili ng bra? Mura lang.
Kaso, nagiging kamay kapag gabi.
Gusto mong bumili ng Eye-Mo? Mura lang.
Kaso, roll-on
Gusto mong bumili ng wheelchair? Mura lang.
Kaso, de-pedal.
Gusto mong bumili ng rocking chair? Mura lang.
Kaso, may kasamang lola.
Officemates na matagal na hindi nagkita:
Officemate1: O, pare! Ano'ng balita?
Officemate2: Pasensya ka na, pre, di pa ako nagbabasa ng diyaryo. Mamaya pre, kapag nakabasa na ako, kukuwentuhan kita.
lola: gusto mo ng milo? (malambing pa yung boses)
paboritong apo: sige ...gusto ko.
lola: magtimpla ka, tamad!
teacher: sino ang philosopher na naging estudyante ni plato?
student: ehrm, si platito?
Tanong: Tumatakbo ba an Refrigerator nyo?
Sagot: Oo.
ABAY HABULIN MO!
bata1: uy, may problema ako
bata2: ano yun?
bata1: kasi kanina narinig ko yung nanay ko na tinawag yung tatay ko na "papa." tapos nung isang araw narinig ko yung tatay ko na tinawag yung nanay ko na "mama."
bata2: o, anong problema mo?
bata1: paano na yan? pareho ko na silang kapatid?
Tatay na nagwawalis ng bakuran: Hindi mo ba naiisip na masagwa na nagwawalis ako dito eh naglalaro ka pa diyan?
Anak na makulit: Mas masagwa siguro na ako ang nagwawalis diyan at ikaw ang naglalaro.
sa swimming pool:
Girl 1: Aaa! umuulan! Ayoko mabasa!
Girl 2: t*nga! Lumubog ka sa ilalim ng tubig para di ka mabasa!
Bata: Mama, mama. Pwede po bang magtanong?
Mama: Nagtatanong ka na eh. Paalam ka muna.
Bata: Mama, mama. Pwede bang magtanong?
Mama: Ayan ka naman eh!
#1 : Pwede ho bang magtanong Huh
#2 : OO.
#1 : Salamat po.
wife stayed up late kasi ang tagal umuwi ng asawa niya. when the guy enters the front door...
Wife: BAKIT NGAYON KA LANG, HA???!!! BAKIT NGAYON KA LANG???
Husband: E IKAW??? BAKIT KANINA KA PA, HA??!!! BAKIT KANINA KA PA??
guy 1: "Pare, inuman tayo!"
guy 2: "Hindi, tao tayo."
Friend: Ano sa tingin mo?
Apeng: Ayokong tingnan.
Friend: Ano sa palagay mo?
Apeng: Hindi ako mapalagay.
person1: me ballpen ka?
person2: sori wala e
person1: ako meron
person1: me ballpen ka pa?
person2: meron!
person1: ako din!
person1: nakakalason pa ba ang lason kahit expired na?
person2: hindi na siguro, expired na e....pero baka masira tiyan mo
High school P.E. teacher asking one of his students:
Mr. Eugenio, nanay mo ba si Mrs. Eugenio?
BUYER: miss, magkano po 'to?
TINDERA: walang puto dito!
Q: paano lunurin ang isda?
A: hawakan mo sa leeg, tapos ilubog mo sa tubig.
sa isawan...
kostumer: miss, malinis ba yang bituka nyo?
Tindera: ewan ko, pero yang sa manok malinis.
Q: "nandito ka na pala?"
A: "hindi...guni-guni mo lang ako."
after falling off my chair and hitting my head on the floor, a concerned (but rather dense) classmate asked : "masakit ba?"
"ay, hindi...sarap nga, e. subukan mo rin."
emcee: anong masasabi mo sa death penalty?
bading; a ano po yun toot por toot, eye por eye.
emcee: paki-eksplika nga?
bading: ganito po yun: kung pinatay mo ang nanay ko, dapat, patayin din ang nanay mo!
Emcee: How are you?
Miss Gay Philippines contestant: How are you too!